Samahan ng mga Bloggers, Naglunsad ng Health and Wellness Blogging
Isang mapagpalang araw.Noong nakaraang ika-tatlo ng Mayo taong kasalukuyan ang samahan ng mga health bloggers (Philippine Health Bloggers Society) sa tulong ng Zoomanity Group inilunsad ang "Blogging for Health and Wellness" na dinaluhan ng kulang sa apatnapu na bloggers.
Masasabi nating isang tagumpay ang pagkakabuo at pagkakatupad ng pagtitipon na ito. Nabuo lamang ang aktibidad na ito sa pamamagitan ng isang post sa isang gruop sa facebook ng mga bloggers kung saan nagpalitan ng kani-kaniyang mga ideya at kuro-kuro. Nang dahil dito, nabuo ang hangarin na matulungan ang bawat health bloggers. Ito ay isang paraan para mahubog ang kakayahan ng mga baguhang health bloggers.
Photo credits: Victoria Court |
Tinalakay ni Mr. Alvin Cloyd Dakis kung paano nagsimula ng Philippine Health Bloggers Society sa simpleng facebook group at kung bakit ito naitatag. Sinundan naman ito ni Ms. Grace Bondad - Nicolas sa kanyang topic na "Intoduction to Blogging" kung saan tinalakay niya ang mga simpleng pamamaraan kung paano magsimula ng isang blog.
Sinundan naman ito ng topic ni Ms. Janina Santos na "Blogging It and Owning It: A Multi Angle Approach" at ni Ms. Inday Espina - Varona ang "Ich Libel Dich: What online libel is about?" kung saan niya tinalakay ang mga iba't - ibang klase ng libel sa pagbo-blogging.
Naging makabuluhan ang nasabing pagtitipon, halos kulangin ang isang araw para sa mga nag-gagandahang topic.
ParadiZoo at Residence Inn, Tara ating Pasyalan ngayong Bakasyon!
Naghahanap ba kayo ng mapupuntahan ng mga bata na kung saan ay mayroon silang matututunan? Nariyan ang Paradizoo at Residence Inn, tara libutin natin.
Sa panahon natin ngayon kung saan makabago na ang mga teknolohiya, masarap pa din na iparanas sa mga bata ang simoy ng probinsya at gumala sa mga pasyalan kung saan makikita nila ng personal ang mga magagandang tanawin.
Sa loob ng sampung ektaryang lupain sa isang farm ng Zoomanity, yan ang ParadiZoo. Dito mo matatagpuan ang mga ilang hayop na wala sa Pilipinas, minsan makikita mo lang sa mga larawan at telebisyon. Mayroon ding mga taniman ng gulay na kung saan maari kang bumili ng mga gulay at halaman.
Ang iba namang mg hayop ay karaniwang nakikita sa probinsya at kung ikaw ay isang taga lungsod marahil madalang mo na lang sila makita liban na lang kung ikaw ay magtutungo sa isang pet shop.
Mula sa isang parte ng Residence Inn kung saan naroon ang mga kainan, isang magadang tanawin ang nag-aantay sa iyo. Makikita mo nang 180 degree ang Taal Volcano at ang mga nagzi-zipline.
Photo credits: Yzak Vargas |
Maraming salamat sa suporta Zoomanity Group - The Happiest Places para sa libreng day tour sa ParadiZoo at sa Residence Inn isama mo na ang masarap na meryenda ang zipline; Elabram System, Victoria Court - Where Next?, Gardenia Bread - Masarap kahit walang palaman at GLI Institute.
No comments :
Post a Comment