RH Bill?..
Tapos na yan!..
Tapos na yan!..
RH Law na tayo at eto na nga yun eh!..
Ilang taon din ba nating ipinaglaban ang usapin tungkol sa RH Bill na ngayon ay batas na, mga mahigit sa isang dekada lang naman diba?.
Ilang rally na ba ang naganap?.. Ilang pagtitipon?.
Hindi na mabilang, sa sobrang dami..
RH Candle Lighting during the AYNLA NCR Zonal Conference, December 12, 2012 at Asian Institute of Management, Makati |
Responsible Parenthood at Reproductive Health, isang napakalawak na usapin at mahabang talakayan. Naging parte na ng kasaysayan ng Pilipinas ang pagkakapasa ng batas na ito sa haba ng tinahak na landas.
Napakalaking tulong ni Presidente Benigno Aquino III sa pag-ubliga at pag-apruba na maisabatas ang RH bill na ito. Hindi kaila na ang Simbahang Katoliko ang naging taliwas para maipasa ang batas na ito. Saksi ako sa mga RH advocates na nakikipag rally, umulan man at umaraw ay tuloy pa din ang laban para sa isang adhikaing maipasa ang RH Bill.
Isang mapalad ang Alliance of Young Nurse Leaders & Advocates International Inc. (AYNLA) na naging bahagi ng IRR Drafting Committee sa pangunguna ni Nr. Alvin Dakis ang presidente ang naturang organisasyon. Ang representante ng kabataan at ng nurse sa naturang pagdadraft ng IRR.
Usapang Kalusugang Pampamilya poster for the RP RH IRR Public Consultation Proto credit: www.doh.gov.ph |
Nagkaroon na ng ilang mga konsultasyon sa Usapang Kalusugang Pampamilya: Responsible Parenthood and Reproductive Health Law - IRR Public Consultation sa Mindanao noong Marso 05, 2013 - The Ritz Hotel at Garden Oases, Davao City at Visayas noong Marso 06, 2013 - Crown Regency Hotel, Cebu City bago pa man sa Luzon at NCR na ginanap naman sa Century Park Hotel, Manila noong Marso 8, 2013.
Ibat-ibang mga organisasyon ng kabataan, kababaihan, propesyunal, sektor ng pamahalaan, mga RH advocates at ilang pinuno ng simbahang para sa RH ang mga dumalo sa pagtitipon. Sa pagprisinta ng IRR, madami ang ating narinig na mga reaksyon, positibo man o negatibo.
Sa mga negatibong komento, na dapat marami pa idagdag at tanggalin sa batas partikular na ang pagbibigay ng access sa mga kabataan para sa kontraseptibo. Nais man nating ibahin at dagdagan ang nakasaad sa batas, iyan ay batas na. Ang ating pwedeng gawin na lang sa ngayon ay sundin ang batas at mag-antay para maamenduhan sa susunod na mga taon matapos itong maipatupad.
Hindi pa tapos ang laban natin. Tuloy pa din tayo!.
Hindi pa tapos ang laban natin. Tuloy pa din tayo!.
Halina't makibahagi sa paglagda ng naturang IRR ngayong Marso 15, 2013.
Ang batas ay magiging epektibo simula sa darating na Marso 30, 2013.
Mabuhay ang mga kampeon ng RH.
Ang batas ay magiging epektibo simula sa darating na Marso 30, 2013.
Mabuhay ang mga kampeon ng RH.
No comments :
Post a Comment