Saturday, March 9, 2013

Ang Room Nurse para kay Ginang Villar ay....

Room Nurse?. Anu nga ba ang Room Nurse para kay Gng. Villar?.. 

Tuwing eleksyon ibat-ibang organisasyon, mga istasyon ng radyo at telebisyon ang nagsasagawa ng mga Senatorial Forum. Isa itong paraan para maipakita ng mga kandidato ang kanilang mga plataporma. 

Ngunit isang Senatorial Forum ang nagpagising sa kamalayan ng mga nurse sa Pilipinas at maging sa ibang bansa sa pagbibigay ng sagot ni Gng. Villar sa Pagsubok ng mga Kandidato na inere ng GMA News TV 11 noong Pebrero 23, 2013. Ang kopya ng video na ito naka-upload sa youtube na pumutok at kumalat naman nuong Marso 02, 2013 sa mga social networking sites tulad ng facebook, tumblr at twitter. 

Ilang mga grupo ng mga nurse at indibidwal na nurse ay hindi napigilan ang kanilang mga emosyon at kung anu-anong mga salita ang mga nabitiwan nang dahil sa pahayag na ito. May mga kumalat pang mga larawan ni Gng. Villar  at ni Sen. Villar. 

Isa ako sa iilan na nabigyan ng pagkakataong makada-upang palad si Gng. Villar kahapon Marso 08, 2013 kasama ang mga miyembro ng Philippine Health Bloggers Society (PHBS) na pinamumunuan ni Bb. Janina O. Santos upang marinig ang kanyang panig ukol sa kanyang naging pahayag sa Pagsubok ng mga Kandidato.


Grupo ng Philippine Health Bloggers Society kapulong si Gng. Cynthia Villar at Senador Manny Villar. 
"Actually, Hindi naman kailangan ang nurse ay matapos ng BSN, Kasi itong ating mga nurses, gusto lang nila maging ROOM NURSE. Sa America or sa other countries ano lang sila, yung parang mag-aalaga. Hindi naman sila kailangan ganon kagaling."



"Ang nais ko lang ay hindi maipit ang pag-aaral ng mga nursing students dahil sa hindi pagkakaunawaan ng mga may-ari ng eskwelahan at mga pinuno ng CHED noong mga panahong yon"


Ilan lamang ito sa kanyang mga nabitawang salita sa nasabing forum at sa kanyang paghingi ng paumanhin sa kanyang social netwoking sites at sa ilang mga panayam. Nilinaw ni Gng. Villar na nagkulang nga siya ng oras sa pagsagot sa naturang komplikadong tanong ni Mareng Winnie. 

Kung ating babalikan noong taong 2005, kung saan siya ang naging Chaiperson ng House Committee ng Higher and Technical Education sa kasagsagan ng kursong Nursing maraming mga nursing school ang nagbukas at nais nang ipasara ng CHED at Techinical Committee on Nursing Education (TCNE) nang dahil sa kakulangan ng pasilidad kagaya ng Tertiary Hospital kung saan ini-expose ang mga estudyante. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat lalo ang mga nag-aaral sa probinsya ay hindi naman ganun kasagana sa buhay. Ang ilan ay mga kapos din sa buhay.

Kung maipapasara man ang kanilang paaralan, maari nga silang lumipat ng ibang paaralan ngunit baka naman ito ay napakalayo sa kanila at hindi kayanin ng kanilang magulang ang pagsuporta sa pagpapa-aral sa mas malayong lugar. Nais ni Gng Villar na kung ipapasara man ang mga nursing school ay mabigyan ng pagkakataon na ang estudyante na manggagaling sa mga naipasarang nursing school na magamit nila ang kanilang napag-aralan.

Gng. Cynthia A. Villar
Nasabi din ni Gng. Villar na hindi siya ganun kapamilyar sa propesyon natin bilang Nurse at hindi din niya alam ang ibang mga terminolohiya kung paano ito gagamitin. Sa nasabi ni Gng. Villar sa kanyang pahayag, ang nasa isip niya ay ang pagkakaroon ng ladderized program para sa mga nurse. 

Ang nais ipabatid ni Gng. Villar na kung hindi matapos ng isang estudyante ng BSN ay pwede siyang bigyan ng sertipikasyon bilang isang caregiver, kumadrona o bilang nursing aid anu man ang matapos ninyang degree. 

Ayon din kay Gng. Villar na ang tinutukoy niyang "hindi naman kailangan ang nurse ay matapos ang BSN" ito ang ladderized program para sa mga nurses. Ang "ROOM NURSE" naman para sa kanya ay yung mga estudyante ng BSN na hindi natapos ang mismong kurso na pwedeng maging Caregiver o Nursing Aid bilang trabaho nila na "parang mag-aalaga". 

Nagbigay din ng pagkukumpara si Gng. Villar sa Caregiver at mga Nurses, na "hindi naman ganun kagaling" ang Caregiver sa mga graduate ng BSN at lalo na ang mga tituladong Nurse at nakuha ang certipiko bilang Rehistradong Nars. 

Ako bilang nurse ay nagalit din sa nung una sa mga nabitawang pahayag ni Gng. Villar na naibaba masyado ang moral nating mga nurses. Sa aking mga narinig mula sa panig ni Gng. Villar, makikita mo ang sinseridad ni Gng. Villar sa kanyang sinasabi. 

Pero iniiwan ko pa din ang desisyon sa kapwa ko nurse at kapwa botante na sa darating na halalan. nasa atin pa din ang desisyon kung sino ang karapat-dapat nating iboto. 

Ikaw sino iboboto mo?.. 

No comments :

Well-Liked Blog Post