Sunday, March 10, 2013

Ligtas na Pagtawid, Ating alamin..

Road Safety Forum Poster
 Bawal Tumawid! Nakamamatay!

Bawal ang tao sa kalsada, doon tayo sa bangketa. 

Bawal magsakay dito. 

Ilan lamang ito sa mga tipikal na nakapaskil sa ating mga lansangan na ating namamasdan sa pang araw-araw na byahe ng buhay.

Ligtas nga ba ang mga tawiran at pook lakaran natin sa tuwing tayo ay makikipagpatintero sa ating mga kalansanganan?. 

Iyan ang tanong natin? Sa palagay ninyo, ligtas ba ang mga mahal natin sa buhay sa pagtahak ng ating mga kalsada?




Kamakailan lang ginanap ang "Global Road Safety Forum: Pedestrian Safety" sa Heritage Hotel, Manila noong nakaraang Pebrero 27-28, 2013. Dinaluhan ng mga opisyal at pinuno mula sa ibat-ibang lokal na pamahalaan nang mga lungsod sa kalakhang Maynila, pribadong sektor ng pamahaalan, mga samahan at organisasyon at sangay ng mga kabataan.
L-R: Nr. Erick Bernardo, Nr. Andrei dela Cruz, Nr. Rouella Fajardo and Nr. Daphne Mallare.
Batay sa ulat na naiprisinta sa Pedestrian Road Safety na ang Pilipinas ay may walong porsiyento (8%) ang naitalang aksidente sa langsangan, karamihan ay mga pedestrians o yung mga mananawid at patuloy ang pagtaas nito sa pitong porsiyento (7%) bawat taon. 

Ipinakita dito ang kondisyon ng ating mga lansangan lalo sa kalakhang Maynila kung saan laganap ang mga aksidenteng nagaganap lalong-lalo kahabaan ng Marcos Highway o kilala sa Commonwealth. Hindi mabilang na ang naganap na aksidente dito, karamihan ay ang mga taong tumatawid nang lansangan. 

Bakit nga ba ang daming naaksidente dito?..
Kaugnay ng mga sagot na naidulog nuong Global Road Safety Forum, ilan sa mga nakita dito ay ang walang maayos na pook tawiran, kulang sa mga pananda, ang pook lakaran at pook tawiran ay may mga nakaparadang sasakyan o dili kaya ay gamit na sa pagtitinda at kakulangan sa displina. Isama ko na din ang mga motorista nating walang pakundangan kung magmaneho, laging nagmamadali at nakikipag-unahan pa. Parang sa kanila ang mga lansangan diba?.
National Youth Commission delegates kasama si Leon Flores III Chairman ng NYC sa Children's Road Safety Park  
Naiprisinta din dito ang mga inobasyon na ginagawa ng ating pamahalaan para masulusyunan ang mga ganitong uri ng problema. Tulad na lamang ng ginagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na paglalagay ng isang parke (Children's Road Safety Park) kung saan maaring maglaro ang isang kabataan habang natututo siya sa mga pananda sa ating lansangan. Isa itong magandang simula ng MMDA para sa pagbibigay ng kaalaman para sa mga kabataan. 

"Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan bago ka tumawid." Yan ang madalas kong naririnig na habilin sa aking nung bata pa ako. Tama nga naman. Tumingin ka sa kaliwa't kanan bago ka tumawid. Ngunit hindi ito sapat na pagbibigay impormasyon ukol sa wasto at ligtas na pagtawid sa kalsada. Alam naman nating lahat, na hindi lahat ng paaralan dito sa ating bansa ay itinuturo ang wastong paggamit ng pook-tawiran. Isa rin ito sa nating pagtuunan ng pansin kung paano gagamitin ang pook-tawiran ang mga pananda sa lansangan. 

Kaya isa ito sa nabanggit ng National Youth Commission (NYC) na gumagawa na sila ng paraan para sa paglalagay ng asignatura na magbibigay kaalaman sa mga estudyante ukol sa wastong pagtawid. Isinasama na din dito ang paglalagay sa National Service Training Program (NSTP) at Civic Welfare Training Service (CWTS) sa kolehiyo, na isama ito bilang isa sa kanilang mga gagawin na magbigay impormasyon at kaalaman sa mga kabataan. 

Paano naman ang mga taong may kapansanan?. Paano sila makakatawid sa mga tulay-tawiran na inilagay?. Mayroon nga tayong mga rampa kung saan pwedeng idaan ang wheelchair, ngunit isa pong nakakadismaya ang ilan sa mga tulay-tawiran na aking nakikita. Masyadong matarik ang tulay-tawiran, hidi maaring magamit ng ating mga kababayang may kapansanan. Isang solusyon ang ipinakita nila, ito ay ang pagsasaayos ng tulay-tawiran at paglalagay ng mga elevator.

Maganda ang mga nakitang kong nais gawin ng ating pamahalaan. Sana naman ay matugunan ito at nang sa gayon ay bumaba ang bilang ng ating mga kababayan na naaksidente. 

Nakibahagi din ang aming grupo sa paglagda para sa resolusyon na hinihingi kay Pangulong Noynoy na ideklara ang Mayo 06-13, 2013 bilang Road Safety week sa Pilipinas sa pagtupad sa Ikalawang UN Global Safety Week During the Decade of Action for Road Safety: 2011-2020.

The Long Short Walk Campaign Wall
Isa din kami sa lumagda para sa "The Long Short Walk Campaign" na parte ng Zenani Mandela Campaign sa Africa na naglalayon at naghihikayat na maglakad o magbisikleta ng walang takot na pinsala para sa mas ligtas, malusog at greener mobility.

Ito ay kampanya kung saan maari ninyong ibahagi ang inyong mga larawan, short films na pang araw-araw ninyong dinadaanan, favourite walk or dangerous road na nangangailangan ng pagsasa-ayos.

Hinihikayat namin kayo na makilahok sa gawaing ito. Maari ninyong bisitahin ang www.longshortwalk.org kung paano sumali at para na din sa mga karagdagang impormasyon. 

Makibahagi tayo para sa ligtas na pagtawid.

No comments :

Well-Liked Blog Post