Physiological needs are the physical requirements for human survival. If these requirements are not met, the human body cannot function properly and will ultimately fail. Physiological needs are thought to be the most important; they should be met first.
Air, water, and food are metabolic requirements for survival in all animals, including humans. Clothing and shelter provide necessary protection from the elements. While maintaining an adequate birth rate shapes the intensity of the human sexual instinct, sexual competition may also shape said instinct. (Wikipedia)
7th Asia Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights, Manila, Philippines
Isang malaking oportunidad at karangalan para sa aming organisasyon ang mapabilang sa isang malaking pagtitipon na ito.
Ang Philippine Society of Sexual & Reproductive Health Nurses (PSORHN) ay isa sa mga organisasyon na kabilang sa Youth Steering Commitee na tumulong sa paghahanda para sa nasabing pagtitipon. Isa din ang PSORHN sa naging Medical First Aid team sa loob ng apat na araw nang 7th APCRSHR.
Medical Team at #7APCRSHR Credits: https://www.facebook.com/PSORHN |
Ang Asia -Pacific Conference on Reproductive and Sexual Health and Rights ay nagsimula noong 1999 sa kasagsagan ng ICPD+5 Review and Assessment. At ngayon, isinagawa ito sa Philippine International Convention Center noong nakaraang Enero 20 hanggang 24, 2014. Ito ay isang gawain ng mga bansa sa Asya Pasipiko para sa pagdevelop ng global awareness para sa reproductive and sexual health and rights na kasama sa pokus nito ang mga datos, statistika,, ideya at pamamaraan para sa ikakaunlad ng bawat bansa.
Youth Advocates Night
Enero 20, taong kasalukuyan ginanap ang Youth Advocates Night sa Waling Waling Hall, Orchid Garden Suites sa Manila na dinaluhan ng mga iskolar at mga miyembro ng youth steering committee. Ang gawaing ito ay naglalayong magkakilala ang ibang mga delegasyon ng kabataan at iskolar para sa gaganapin na 7th APCRSHR.
Sa loob ng bulwagan ay nagtipon tipon ang mga kabataan ayon sa kanilang bansang inirerepresenta. Isa sa mahalagang aspeto ng gawaing ito ay para ang kabataan ay maging isa para sa policy making at mga parte ng SRHR.
Youth Conference
Credits to the owner. |
Enero 21, Opisyal na pagbubukas para sa Youth Conference na isinagawa sa Summit Hall C & D, PICC na may Tema: "Examining achievements, good practices and challenges: Towards a strategic positioning of SRHR for all young people." Isang katutubong tugtugin at sayaw ang inihandong ng Kontra Gappi para sa pag welcome ng mga bisita. Dinaluhan ito ng mga kilalang mga tao sa larangan ng Reproductive Health sa ibat-ibang bansang kalahok. Sa lugar kung saan idinaos ang Youth Conference naroon ang tinatawag na Youth Village kung saan may roong youth information desk, activity center, palaro, at ibat-ibang mga booths.
Naroon din ang larawan ng paglalakbay ng APCRSHR mula sa una hanggang sa kasalukuyan kasama ang mga tema ng bawat pagtitipon.
May atraksyon din ng lokal na pampublikong sasakyan sa pilipinas ang Jeep at ang bahay kubo na isang tradisyunal na uri ng tahanan na matatagpuaan sa mga nayon.
Main Conference
Enero 22, Ang pagbubukas ng Main Conference na isinagawa sa Plenary Hall sa PICC. Isa sa naging highlight ng programa ay ang pagpeperform ng El Gamma Penumbra.
Sa araw ding ito, opisyal na binuksan ang mga booth sa ikalawang palapag kung saan naroon ang ibat-ibang mga organisasyon na tumutulong para sa pagtugon ng reproductive and sexual health and rights.
Nang sumapit na ang gabi, ang mga ibat-ibang delegasyon ay nakasuot nang kanilang mga trabitional at national costume para sa Asia - Pacific Night na isinagawa sa Reception Hall ng PICC. Nagkasiyahan ng kaunti sa pamamagitan ng pagsasayaw sa harapan ng entablado.
International Youth Council Pilipinas Members |
Enero 23- 24, Isinagawa ang mga ibat-ibang mga parallel at satellite sessions sa mga Meeting Rooms ng PICC. Isa sa mga hindi malilimutang kataga ang "love cubicle" na kung saan sa bansang Indonesia ito ay ginawa para tugunan ang pangangailangan sekswal ng mga mag-asawang nasa evacuation area. Nariyan din ang mga magagandang gawi ng ibat'ibang bansa sa pagtugon sa panganngailangan partikular sa Reproductive Health ng mga kabataan at iba pang grupo ng populasyon. Isama pa natin ang isang comedy show nang Vagina Monolouges.
Vagina Monologue |
First Aid Station
Sa aming istasyon, kasama ang ilang mga duktor at nars na nag boluntaryo nang kanilang mga oras at serbisyo. Karamihan sa mga reklamong aming natanggap mula sa mga kalahok ay ang mga sumusunod: Sakit sa Tiyan, Sakit ng Ulo at Katawan, Ubo at sipon.
PSORHN Nurses on their duty station |
Ang ilan pa sa mga Anti-RH ay nagpunta sa Pasay City Trial Court upang ipatigil ang 7th APCRSHR. Sa kasamaang palad, hindi sila nagtagumpay para ipatigil ang pagtitipon. Bagkus ibinasura ito nang korte.
An anti-RH early blocking at PICC |
A pro-RH supporting the #7APCRSHR |
No comments :
Post a Comment