![]() |
| Cabucbucan High School Logo |
Ilang
taon na rin ang nakalipas simula ng makatapos kami sa aming mahal na
eskwelahan. Ang Cabucbucan High School, isang paaralang sekondarya na nakatayo
sa pagitan ng dalawang barangay, sa Barangay Cabucbucan at Brgy. Estrella sa
gitna ng malawak na bukirin.
Pangunahing produkto nang aming mga barangay ay ang palay at sibuyas. Karamihan sa tao dito ay nabubuhay sa mga gawaing pangbukid.
Noong
nakaraang ika-labing tatlo ng Abril, nagkaroon ng 3rd Grand Alumni Homecoming simula sa batch ng 1996 hanggang batch 2006
na may Theme: Reuniting, Remembering and Regenerating. Ginanap ito sa gymnasium
ng aming paaralan na dinaluhan ng mga graduate ng kadabatch at mga dating
naging guro na nagsilbi sa aming paaralan. Ilan sa mga ito ay sina Ma'am Pacita dela Cruz, Mena Cayaban, May Guillermo, Emelita Agustin at Sir Apolinario Mendez.
